Sinabi Biyernes, Marso 15, 2019, ni Stephane Dujarric, Tagapagsalita ng Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) na si António Guterres, na mahigpit niyang kinondena ang naganap na teroristikong atake sa dalawang mosque ng Christchurch, New Zealand. Nagpahayag din siya ng lubos na pakikiramay sa mga kamag-anakan ng nasawi, pamahalaan, at mga mamamayan ng New Zealand.
Ayon kay Dujarric, nanawagan si Guterres sa komunidad ng daigdig na palakasin ang kooperasyon para magkakasamang mapawi ang terorismo at marahas na ekstrimismo sa lahat ng porma.
Salin: Li Feng