Sinabi kamakailan ni Propesor Fu Qiang, Puno ng China Business Center ng National University of Singapore, na ang pagpapatibay ng Batas sa Pamumuhunang Dayuhan sa katatapos na sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ay mahalagang pangyayari sa proseso ng pagbubukas sa labas ng Tsina. Ito rin aniya ay malakas na pangakong ginawa ng Tsina sa buong daigdig.
Sinabi rin ni Fu, na wala pang 10 buwan bagong magkabisa ang naturang batas sa unang araw ng susunod na taon. Aniya, sa loob ng panahong ito, dapat palakasin ng mga bahay-kalakal na Tsino at dayuhan ang sariling kakayahan, bilang paghahanda sa mga bagong pagkakataon at bagong kompetisyong dulot ng batas na ito.
Salin: Liu Kai