Ipinahayag Marso 15, 2019, ni Li Keqiang, Premiyer ng Tsina na patuloy pasusulungin ng bansa ang pagbubukas sa labas. Aniya, pahihigpitin ng Tsina ang proteksyon karapatan sa pagmamay-ari sa mga likhang-isip (IPR) sa pamamagitan ng pagsusog ng batas ng proteksyon ng IPR.
Aniya pa, pinagtibay ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) ang Panukalang Batas sa Dayuhang Pamumuhunan ng Tsina. Layon ng batas na protektahan ang mga interes at karapatan ng mga mamumuhunang dayuhan, at matiyak ang pamamalakad ng mga bahay-kalakal na Tsino at banyaga ay batay sa mga pantay at parehong alituntunin.
salin:Lele