Moscow — Ginanap Lunes, Marso 18, 2019, ang promosyon ng Ika-2 China International Import Expo (CIIE). Ayon sa tagapagtaguyod ng ekspong ito, komprehensibong nagsimula na ang gawain ng pag-enroll ng mga bahay-kalakal sa ekspo. Puwedeng magrehistro ang mga mangangalakal sa opisyal na website ng CIIE, at ang deadline ng pag-enroll ay Mayo 15 ng kasalukuyang taon.
Sa kanyang talumpati sa promosyon, ipinahayag ni Li Jingyuan, Economic at Commercial Counsellor ng Embahadang Tsino sa Rusya, na ang pagtataguyod ng CIIE ay mahalagang hakbang ng pamahalaang Tsino sa ibayo pang pagpapasulong ng pagbubukas sa labas. Layon nito aniyang itatag ang plataporma para sa pagpapalalim ng pagpapalagayang pangkabuhayan at pangkalakalan at pamumuhunan ng mga bansa sa kahabaan ng "Belt and Road" at mga iba pang bansa. Bukod dito, puwedeng ipakita sa ekspong ito ng iba't-ibang bansa ang kanilang bentahe at potensyal ng pag-unlad, at pasulungin ang pakikipagtulungang pangkalakalan ng iba't-ibang bansa sa Tsina.
Salin: Li Feng