|
||||||||
|
||
Sa katatapos na Unang China International Import Expo (CIIE), 57.83 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng intent deal na narating sa nasabing ekspo. Isang araw pagkatapos ng CIIE, lumikha ang e-commerce giant Alibaba ng bagong rekord ng pagbebenta na 213.5 bilyong yuan RMB (mga 30.7 dolyares) sa taunang Singles' Day online shopping sale nitong Linggo, Nobyembre 11, 2018. Ang ganitong lebel ng pagbili ay hindi lamang nagpapakita ng napakalaking nakatagong lakas ng pamilihan ng konsumo ng Tsina, kundi palatandaan din na pumasok ang bansa sa panahon ng pag-a-upgrade ng konsumo.
Ang Singles' Day online shopping sale ay sinimulan noong Nobyembre 11 ng taong 2009. Pagkatapos ng sampung taong pag-unlad, nagsilbi itong pinakamalaking shopping promotion sa buong mundo.
Sa kasalukuyang taon, kasali dito ang mga mamimili sa magkakaibang time zone sa daigdig, sa pamamagitan ng AliExpress, Lazada at Daraz. Di-kukulangin sa 2 oras pagkaraang simulan ang "Double Eleven" online shopping event sa taong ito, lampas sa 100 bilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng transaksyon.
Ayon sa estadistika, noong unang tatlong kuwarter ng taong ito, 78% ang contribution rate ng gugulin ng mga residente Tsino para sa paglago ng kabuhayan, at ito ay lumaki ng 14% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon. Ang konsumo ay naging mahalagang elementong sumusuporta sa de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayang Tsino.
Sa darating na 15 taon, tinayang lalampas sa 30 trilyong dolyares at 10 trilyong dolyares ang paninda at serbisyo na aangkatin ng Tsina, upang mas mainam na makatugon sa pangangailangan ng mga mamamayan sa magandang pamumuhay. Sa proseso ng ganitong bukas na kalakalan, ang Tsina ay nagsisilbing mas malaking lakas-panulak ng paglago ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |