Bilang matinding pagtutol at representasyon sa pagbatikos ng panig Amerikano, inilahad nitong Lunes, Marso 18 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pinakahuling progreso ng bansa sa pangangalaga sa karapatang pantao. Saad niya, natapos nitong nagdaang Biyernes, Marso 15 ng Tsina ang ika-3 United Nations Human Rights Council (UNHRC) Universal Periodic Review (UPR), kung saan ipinakilala ng delegasyong Tsino ang hinggil sa landas, konsepto at praktika hinggil sa pangangalga sa karapatang pantao. Isinalaysay rin ng panig Tsino ang mga progreso hinggil sa 30 bagong hakbang na ipinatalastas ng Tsina para ibayo pang mapasulong ang karapatang pantao.
Dagdag pa ni Geng, nagpasiya rin ang Tsina na i-adopt ang 284 sa 346 na mungkahi sa nasabing UPR na nababagay sa pambansang kondisyon at kaunlaran ng karapatang pantao ng bansa. Ipinakita aniya nito ang kahandaan ng Tsina na ibayo pang pangalagaan at pasulungin ang karapatang pantao.
Sa kanyang presentasyon sa taunang ulat hinggil sa karapatang pantao ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos noong nagdaang Miyerkules, Marso 13, sinabi ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado na ang pang-aabuso ng Tsina sa karapatang pantao bilang "in a league of its own."
Salin: Jade
Pulido: Rhio