Kinatagpo nitong Miyerkules, Marso 19 sa Beijing ni Wang Qishan, Pangalawang Pangulo ng Tsina ang delegasyong Pilipino na pinangungunahan nina Kalihim Teodoro Locsin ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (DFA), Kalihim na Tagapagpaganap Salvador Medialdea at Kalihim Carlos Dominguez III ng Kagawaran ng Pananalapi (DOF).
Ani Wang, ang mainam na pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino ay bunga ng mahigit sanlibong taong pagpapalitan ng mga mamamayang ng dalawang bansa at estratehikong patnubay ng mga puno ng estado ng dalawang bansa. Ang kapayapaan ay paunang kondisyon ng kaunlaran at kapuwa umaasa ang mga mamamayang Tsino at Pilipino na bubuti pa ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng mapayapang pag-unlad, dagdag pa ni Wang.
Ipinahayag naman ng mga panauhing Pilipino ang pangako at kahandaang patuloy na pasusulungin ang relasyong Sino-Pilipino at makikilahok sa magkasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI) para sa komong kasaganaan.
Dumating ng Tsina ang delegasyong Pilipino nitong Lunes, Marso 18, at babalik sa Pilipinas bukas, Marso 21.
Salin: Jade
Pulido: Mac