|
||||||||
|
||
Inilabas, Nobyembre 26, 2018 ng Palasyo ng Malakanyang ang teksto ng Memorandum of Understanding (MoU) on Cooperation on Oil and Gas Development sa pagitan ng Tsina't Pilipinas.
Ayon sa MoU, nilagdaan ito ng mga gobyerno ng Tsina't Pilipinas sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC). Ang pagkakalagda ng MoU ay bilang pagkilala sa pagkakaroon ng magkabilang panig ng substansyal na progreso hinggil sa paggagalugad ng mga oportunidad ng kooperasyon sa mga aktibidad na pandagat, sa pamamagitan ng positibong diyalogo at praktikal na kooperasyon, bagay na nagbigay ng kontribusyon sa kapayapaan, istabilidad, at kaunlaran sa rehiyon.
"Sa ilalim ng prinsipyo ng mutuwal na respeto, pagkakapantay-pantay, mutuwal na benepisyo, pleksibilidad, pragmatismo at konsenso, nagkasundo ang Tsina't Pilipinas na magkaroon ng pinabilis na negosasyon upang mapasilita ang eksplorasyon ng langis at gas sa mga may-kinalamang lugar sa karagatan, ayon sa mga internasyonal na batas," anang kasunduan.
Itatayo ng dalawang panig ang isang Inter-Governmental Joint Steering Committee, na pangunguluhan ng mga ministri at kagawarang panlabas ng dalawang bansa. Samantala, ang mga ministri at kagawaran ng enerhiya ng dalawang bansa naman ang magiging pangalawang tagapangulo.
Ito rin ay lalahukan ng parehong bilang ng mga representante mula sa mga may-kinalamang ahensya ng Tsina't Pilipinas.
Bukod dito, isa o maraming Inter-Entrepreneural Working Group, na bubuuin ng mga representante mula sa ibat-ibang larangang pang-negosyo ng dalawang panig ay siya ring bubuuin.
Ang nasabing komite ay ang magiging responsable sa negosasyon, detalye ng kooperasyon, at lugar kung saan isasagawa ang kooperasyon.
Ayon pa sa MoU, inawtorisa ng Tsina ang China National Offshore Oil Corporation bilang representante nito sa mga working group, samantalang aawtorisahan naman ng Pilipinas ang (mga) kuwalipikadong ahensya at kung wala, ang Philippine National Oil Company-Exploration Corporation (PNOC-EC) bilang representante nito.
Ayon pa rito, "the two governments will endeavor to agree on the cooperation agreements within 12 months of this Memorandum of Understanding."
Saad pa ng nasabing MoU, "hindi ito gumagawa ng karapatan o obligasyon sa ilalim ng internasyonal o domestikong batas."
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |