Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pinoy scholars at mga guro, inaasahang lalaki ang bilang sa Tsina, DH bawal pa rin: Amba. Sta. Romana

(GMT+08:00) 2018-12-11 16:28:24       CRI

Good news para sa mga Pinoy students at mga guro na nais magpunta sa Tsina. Ibinahagi ni Ambassador Jose Santiago Sta. Romana na mula 10, itinaas na ng pamahalaang Tsino sa 50 ang bilang ng China Goverment Scholarship slots para sa mga Pilipino na nais mag-aral sa mga pamantasan.

"For those who want to pursue college studies, graduate studies, there are opportunities," saad ni Ambassador Sta. Romana sa kanyang mensahe sa Filipino Community na dumalo sa taunang Christmas party na ginanap nitong Disyembre 9, 2018 sa Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing.

Hinggil sa mga guro ng wikang English, masayang ibinalita ni Amb. Sta. Romana na simula 2019 magandang oportunidad ang naghihintay sa kanila.

Aniya, "Starting next year, Chinese universities will hire 2000 Filipinos. Of course meron silang mga requirements, kailangan tapos ka ng kolehiyo. Of course they prefer those English majors or education majors. Tapos kailangan din pumasa sa board exam for teachers sa Pilipinas and at least may two-years' experience. Medyo piling-pili pero, there is a big demand to learn English, so this is one agreement."

Kaugnay ng kumakalat na mga balita tungkol sa trabahong naghihintay para sa mga domestic workers sa Chinese mainland, sinabi niyang hindi pa totoo ito sa ngayon. Paliwanag ng embahador, "Hindi pa pumapayag ang China. China is not in a position to open their market legally to domestics right now. Limited pa lang sa mga areas na may pilot projects at sa mga diplomats at mga expats na papayagan."

Walang kasunduan hinggil sa domestic (helper) market. Isang dahilan paliwanag niya, "Because China itself has a huge surplus labor, medyo sensitibo sa kanila ang issue na ito. Pero as you know malakas ang demand. The Chinese middle class and the upper middle class would like very much to have English speaking family helpers, domestic helpers particularly from the Philippines, kaya lang hindi pa handa ang kasunduan."

Sa kabila nito, nagpahayag naman ang panig Tsino ng interes na pag-usapan ang pagbibigay ng trabaho para sa mga Filipino caregivers. Saad ni Ginoong Sta. Romana, "Yun ang gusto nila, caregivers to care for the elderly, for the children, for the sick, pag-uusapan pa ito. Hindi pa legal sa ngayon."

Matapos ang pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping sa Pilipinas nitong Nobyembre, inilarawan ni Ambassador Sta. Romana na maganda ang lagay ng relasyong Pilipino-Sino. Aniya, "The prospect for bilateral relations are quite bright. Economic cooperation will continue. There will be more trade, more investment, more exchanges, more opportunities."

Iniabot din niya ang mainit na Pamaskong pagbati sa lahat ng mga Pilipinong nasa Tsina.

Si Ambassador Chito Sta. Romana (2nd R), kasama si Dante Jimenez (L), Founder at Pangulo ng Valunteer Against Crime and Corruption

Pagtatanghal ng Pinoy Kids in Beijing

Pagtatanghal ng BICF FilChurch 

 FilComBei Santa, nagbigay-saya

Ang ilang mga larawan kaugnay ng masayang pagdiriwang ng Pasko sa Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing ay makikita sa ibaba.

Ulat : Mac Ramos
Larawan : Ramil Santos, Mac Ramos
Web-edit : Jade Xian

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>