Noong ika-18 ng Marso, sa magkahiwalay na okasyon, kapuwa sina Lv Jian, Embahador ng Tsina sa Thailand, at Don Pramudwinai, Ministrong Panlabas ng Thailand, ay naglalabas ng mensaheng pambati sa pamamagitan ng mainstream media, bilang bahagi ng pagdiriwang sa Ika-3 Anibersaryo ng pagsisimula ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC) at Ikalawang Lancang-Mekong Week.
Sa kanyang mensaheng pambati, ipinahayag ni Lv Jian na nitong 3 taong nakalipas sapul nang itinatag ang LMC, mabunga ito sa kinauukulang panig, walang humpay na pinasusulong ang komprehensibong kooperasyon, at nagbigay ng mahalagang ambag para sa kabuhayan at lipunan ng mga bansa sa kahabaan ng Lancang-Mekong River na kinabibilangan ng anim na bansa ng Tsina, Vietnam, Thailand, Cambodia, Laos, at Myanmar.. Nakahanda ang Tsina na patuloy na magsisikap, kasama ng mga bansa ng LMC, para patuloy na pasulungin ang pag-unlad ng LMC, magbigay ng mas malaking ambag para sa sustenableng paglaki ng kabuhayan ng sub-region, at magdulot ng mas maraming kapakanan para sa mga mamamayan .
Sa mensaheng pambati, ipinahayag rin ni Don Pramudwinai na natamo ng LMC ang maraming bunga na lumampas sa pagtaya. Bilang Tagapangulong Bansa ng ASEAN, nakahanda ang Thailand na walang humpay na pasulungin, kasama ng ibang miyembro ng LMC, ang koordinasyon at kooperasyon ng sub-region, para itatag ang mapayapa at masaganang LMC na may sustenableng pag-unlad.
Salin:Sarah