|
||||||||
|
||
Yunnan, Tsina--Sa bisperas ng Araw ng Lancang-Mekong na natatapat ngayong araw, Marso 23, 2018, ipinagdiwang ang okasyong ito Huwebes, Marso 22, ng daan-daang kabataan mula sa anim na bansa sa kahabaan ng Lancang-Mekong River sa Yunnan University, sa Yunnan Province, sa dakong timog-kanluran ng Tsina.
Kabilang sa mga aktibidad ay pagtatanim ng puno, palaro at symposium hinggil sa pagtutulungang Lancang-Mekong.
Noong Marso 23, 2016, idinaos ang Unang Lancang-Mekong Cooperation (LMC) Leaders' Meeting sa Hainan Province, Tsina. Sumang-ayon ang mga kalahok na lider na itakda ang linggo kung kailan binuksan ang nasabing pulong bilang Linggo ng Lancang-Mekong. Ang unang Lancang-Mekong Week ay nagsimula Marso 19, 2018.
Ang anim na kasaping bansa ng LMC ay Tsina, Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand, at Vietnam. Ang Lancang ay tawag ng mga mamamayang Tsino sa itatas na bahagi ng Mekong na matatagpuan sa Tsina.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |