Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Tsina — Idinaos Huwebes, Setyembre 13, 2018, ang Porum na Pangkooperasyon ng Kakayahan ng Produksyon at Pamumuhunan ng mga Bansa sa Lancang-Mekong River. Ang tema ng nasabing porum ay "Pagpapalalim ng Kooperasyon ng Kakayahan ng Produksyon at Pagpapasulong ng Komong Kaunlaran" na dinaluhan ng halos 300 personahe mula sa mga departamento ng pamahalaan, asosyasyon, organo ng pananaliksik, organo ng pinansya, bahay-kalakal, at media mula sa anim na bansa sa Lancang-Mekong River.
Tinukoy ni Ning Jizhe, Pangalawang Puno ng Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na sapul nag ilabas ang "Sanya Declaration" sa unang Pulong ng mga Lider ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC) noong taong 2016, magkakasamang inilabas ng anim na bansa ng Lancang-Mekong River ang "Magkakasanib na Pahayag tungkol sa Kooperasyon ng Kakayahan ng Produksyon ng Lancang-Mekong River" kung saan naitatag ang joint working group mechanism ng nasabing kooperasyon. Aniya, sa kasalukuyan, isinusulong nila ang pagbalangkas ng tatlong-taong plano ng aksyon hinggil sa kooperasyon ng kakayahan ng produksyon.
Sa kanila namang mensahe, ipinahayag ng mga kalahok ang kanilang pagkatig sa pagpapasulong ng nasabing kooperason. Tiniyak din nila ang ibinibigay na positibong papel ng kooperasyon ng mga bansa sa Lancang-Mekong River sa kakayahan ng produksyon sa pagpapasulong ng kabuhayang panrehiyon. Inilahad nila ang kalagayan ng pag-unlad ng kabuhayan at pangangailangan ng pag-unlad ng mga industriya ng kani-kanilang bansa.
Salin: Li Feng