Ang Changdu Experimental Primary School ay unang modernong paaralan na itinatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa Rehiyong Awtonomo ng Tibet. Tinatawag itong "unang sinilangan ng mga talento sa maniyebeng talampas ng Qinghai-Tibet."
15,268 metro kuwadrado ang kampus nito, at may 151 guro't kawani. Kabilang sa 2,240 mag-aaral sa nasabing paaralan, 1,435 estudyante ay mula sa pamilya ng mga magbubukid at pastol.
Bilingual ang pagtuturo rito, na kinabibilangan ng wikang Tsino't Tibetano. Katangi-tangi rin ang mga kurso na gaya ng sining, musika, katutubong sayaw at iba pa.
Salin: Vera