Nitong nakalipas na ilang taon, walang humpay na pinabilis ng Changdu City sa dakong silangan ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet ng Tsina ang hakbang ng urbanisasyon, at sa pamamagitan ng renobasyon sa lumang lunsod, malaking pinabuti ang kapaligiran ng lunsod at nayon.
Sinimulan ang proyekto ng renobasyon ng lumang lunsod ng Changdu noong Abril ng 2012, at natapos ito noong Oktubre ng 2015. Sa proseso ng renobasyon, pinahalagahan ng pamahalaang lokal ang pangangalaga at pagpapamana sa kulturang arkitektural sa lokalidad. Ang katutubong katangian sa lokalidad ay itinampok din sa konstruksyon ng bagong lunsod.
Sa pamamagitan ng renobasyon, naging malinis at maayos ang mga kalye, at maligaya ang pamumuhay ng mga mamamayan.
Salin: Vera