Sa news briefing na idinaos ngayong araw, ipinahayag ng Tagapagsalita ng Ministring Komersyal ng Tsina na isinagawa ang maraming pag-uusap sa telepono hinggil sa isyung pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika, nina Liu He, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partidong Komunista ng Tsina(CPC), Pangalawang Premyer ng Konseho ng Estado ng Tsina, puno ng Panig na Tsino sa U.S.-China Comprehensive Economic Dialogue(CED), at Kinatawang Pangkalakalan ng Amerika na si Robert Lighthizer, at Kalihim ng Tesorarya Steven Mnuchin ng Amerika. Ayon sa kapasiyahan ng kapuwang panig, bibisita sa Tsina sina Robert Lighthizer at Steven Mnuchin mula Ika-28 hanggang Ika-29 ng Marso. Idaraos dito sa Beijing ang Ika-8 Round na Pagsasangguniang Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at Amerika sa mataas na antas. Bukod dito, bibisita sa Amerika si Pangalawang Premyer Li He sa unang dako ng Abril, upang dumalo sa Ika-9 na Round ng Pagsasanggunian sa Washintong D.C..
Salin:Sarah