Nakipag-usap sa telepono, ngayong araw, Martes, ika-12 ng Marso 2019, si Liu He, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, Pangalawang Premyer ng bansa, at Puno ng panig Tsino sa komprehensibong diyalogong pangkabuhayan sa Amerika, kina Robert Lighthizer, United States Trade Representative; at Steven Mnuchin, Kalihim ng Tesorerya ng Amerika.
Tinalakay nila ang hinggil sa mga masusing isyu sa teksto ng kasunduan ng dalawang panig. Itinakda rin nila ang plano ng mga susunod na gawain.
Salin: Liu Kai