|
||||||||
|
||
Nag-usap sa telepono Biyernes, unang araw ng Marso, 2019, sina Yang Jiechi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika.
Inilahad ni Pompeo kay Yang ang tungkol sa pagtatagpo ng mga lider ng Amerika at Hilagang Korea sa Biyetnam. Aniya, pananatilihin ng panig Amerikano ang pakikipag-ugnayan sa panig Hilagang Koreano upang patuloy na hanapin ang kalutasan sa isyu ng Korean Peninsula sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian. Lubos na hinahangaan ng panig Amerikano ang ibinibigay na positibong papel ng panig Tsino sa isyung ito, dagdag niya.
Ipinahayag naman ni Yang ang pag-asang magkasamang magsisikap ang Amerika at Hilagang Korea at ipagpapatuloy ang kanilang talastasang pangkapayapaan para matamo ang mga bagong bunga at progreso. Aniya, nakahanda ang panig Tsino na patuloy na patingkarin ang konstruktibong papel sa nasabing isyu.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |