Nagtagpo sina Peng Liyuan, Unang Ginang ng Tsina at Lorena Castillo Garcia de Varela, Unang Ginang ng Panama, nitong Lunes, Disyembre 3, local time. Magkasamang lumahok din sila sa aktibidad ng pagpigil at pagkontrol sa HIV/AIDS.
Si Ginang Peng ay nagsisilbi ring WHO Goodwill Ambassador Tuberculosis and HIV/AIDS at UNESCO Special Envoy for the Promotion of Girls' and Women's Education. Si Ginang Lorena Castillo Garcia de Varela naman ay nanunungkulan bilang UNAIDS Special Advocate for AIDS in Latin America at tagapangulo ng National Comprehensive Care Council for Early Childhood ng Panama.
Salin: Jade
Pulido: Mac