|
||||||||
|
||
Ang Bailang County na matatagpuan sa dakong timog-silangan ng Rikaze o Shigatse, lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet, Tsina ay mahigit 4,000 metro na mas mataas sa sea level. Sa tulong ng mga dalubhasa sa agrikultura mula sa iba't ibang lugar ng bansa at sa pagtitiyaga ng mga mamamayang lokal, ang Bailang ay nagiging bigasan, gulayan at prutasan ng Tibet.
Sa kasalukuyan, pumapasok na sa pamilihang Amerikano ang Tibetan barley mula sa Bailang, at pumasa na rin sa organic certification ng Uniyong Europeo, Amerika at Hapon ang wolf berries ng Bailang.
Ang pagtatanim ng organic fruit at vegetable ay hindi lamang nagpataas ng kita ng mga taga-Bailang, ibinaba rin nito ang presyo sa lokalidad. Dahil dito, maaari na ring kumain ng mga sariwang prutas at gulay ang mga Tibetano.
Ang mga Tibetano habang nagtatrabaho sa greenhouse ng gulay at prutas
Greenhouse ng pipino
Mga bagong-pitas na strawberry
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |