|
||||||||
|
||
Si Wang Yi
Si Jean-Yves
Lumahok dito ang 200 kinatawan mula sa dalawang pamahalaan, think tank, transnasyonal na bahay-kalakal, United Nations (UN), at Unyong Europeo (EU). Nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok hinggil sa mga paksa na gaya ng Belt and Road Initiative (BRI) at konektibidad, multilateralismo at pangangasiwa sa mundo, hamon at pagkakataong dulot ng digital governance, pagbabago ng klima at biodiversity, at iba pa.
Ito ang kauna-unahang seminar hinggil sa pangangasiwa sa mundo na idinaos ng Tsina't Pransya. Nagkasundo ang mga kalahok na malaki ang potensyal ng pagtutulungan ng dalawang bansa sa pandaigdig pangangasiwa, at umaasa silang magiging regular ang kanilang pagpapalitan at diyalogo hinggil sa usaping ito.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |