Sa sidelines ng Ika-12 Asia-Europe Meeting Summit (ASEM) na idinaos nitong Biyernes, Oktubre 19, sa Brussels, Belgium, nagtagpo sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya.
Sumang-ayon ang dalawang lider na ibayo pang magbubukas ang kani-kanilang pamilihan at patataasin ang pamumuhuan sa isa't isa para ibayo pang pasulungin ang relasyong Tsino-Pranses.
Ipinahayag din ng dalawang opisyal ang buong-tatag na pagsuporta sa multilateralismo. Nakahanda rin silang pahigpitin ang pag-uugnayan at koordinasyon sa reporma ng World Trade Organization (WTO) at pagbabago ng klima.
Salin: Jade
Pulido: Mac