Ayon sa Asian Competitiveness Annual Report 2019 na inilabas Martes, Marso 26, 2019 sa taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA), nasa ika-31 puwesto sa Asya ang comprehensive competitiveness ng Pilipinas noong 2018. Ito ay bumaba ng 3 puwesto kumpara noong 2017.
Anang ulat, ang kompetetibong bentahe ng Pilipinas ay nakasalalay, pangunahing na, sa human capital and innovation capacity, at overall economic vitality. Kabilang dito, nasa ika-11 puwesto ang human capital and innovation capacity index ng Pilipinas, at ika-22 puwesto naman ang overall economic strength index nito, na bumaba ng 5 puwesto kumpara noong 2017.
Nakatakdang magbukas ang BFA Marso 28, kung saan lalahok si Ispiker Gloria Macapagal-Arroyo bilang kinatawan ng Pilipinas.
Ulat/Larawan: Vera
Pulido: Mac
Edit: Jade