Idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-28 ng Setyembre 2018, sa Vientiane, Laos, ang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA).
Dumalo sa pulong sina Pangalawang Punong Ministro Somdy Douangdy ng Laos, Pangkalahatang Kalihim Li Baodong ng BFA, Embahador Wang Wentian ng Tsina sa Laos, at mahigit 200 kintawan mula sa iba't ibang sirkulo.
Tinalakay ng mga mangangalakal na Tsino at tauhan ng sirkulo ng industriya at komersyo ng Laos, ang hinggil sa mga pagkakataong dulot ng pag-uugnayan ng Belt and Road Initiative at estratehiyang pangkaunlaran ng Laos. Pinag-aralan din ng mga kalahok ang kooperasyon ng Tsina at Laos sa aspekto ng agrikultura, pinansyo, telekomunikasyon, at iba pa.
Salin: Liu Kai