Larawan ng Museo ng Tibet
Inilabas ngayong araw, Marso 27, ng Tsina ang white paper na pinamagatang "Demokratikong Reporma ng Tibet, Nitong 60 Taong Nakalipas."
Anang white paper, bunga ng demokratikong reporma na ginawa 60 taon na ang nakakaraan, walang humpay na isinusulong ang etnikong pagkakapantay-pantay at pagkakaisa sa Tibet. Ang kalayaan sa pananampalataya ng lahat ng mga grupong etniko sa Tibet ay pinoprotektahan ng Saligang Batas at mga may kinalamang batas ng bansa, diin ng white paper.
Anito pa, sa kasalukuyan, may 1,787 templo ng Budismong Tibetano, mahigit 46,000 residenteng monghe at mongha o resident monks at nuns, at 358 Living Buddhas sa Tibet. Kasabay nito, mayroon ding apat na moske at mahigit 12,000 katutubong Muslim, kasama ng isang simbahang Katoliko at 700 Katolik.
Salin: Jade
Pulido: Rhio