Gaganapin sa Boao, probinsyang Hainan ng Tsina, bukas, Marso 29, 2019, ang Asian Media Cooperation Conference na magkakasamang itinataguyod ng China Media Group (CMG), Sekretaryat ng Boao Forum for Asia (BFA), at China Public Diplomacy Association (CPDA). Ang tema ng pulong ay "International Communication on Omnimedia Era."
Dumalo sa nasabing pulong ang mga kinatawan mula sa sirkulo ng media at internet ng mahigit 20 bansang kinabibilangan ng Hapon, Timog Korea, Turkey, Pilipinas, Mongolia, Singapore, Biyetnam, Indonesia, Malaysia, at iba pa. Tatalakayin nila ang tungkol sa, pangunahin na, estratehiya ng pag-unlad ng mediang Asyano sa kalagayan ng omnimedia.
Salin: Li Feng