New Delhi — Idinaos Sabado, Disyembre 21 (local time), 2018, ang Ika-3 Mataas na Porum ng Media ng Tsina at India. Magkasamang dumalo at bumigkas ng talumpati sa porum sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Sushma Swaraj, Ministrong Panlabas ng India.
Ipinahayag ni Wang na napapatingkad ng porum ang mahalagang papel sa pagpapahigpit ng pag-uunawaan ng mga mediang Tsino at Indyano. Ito aniya ay nagsisilbing mahalagang tatak ng pagpapalitang pangkultura ng dalawang bansa. Aniya, lubos na pinahahalagahan ng mga lider ng dalawang bansa ang pagpapalitan ng mga media. Dapat komprehensibong isakatuparan ng dalawang panig ang narating na komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa para mapalalim ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga media, at mapasulong ang komprehensibong pag-unlad ng relasyong Sino-Indyano, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng