Idinaos Pebrero 25, 2019, ng Publicity Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang pulong ng pagpapahigpit ng integrasyon ng iba't ibang uri ng media sa Beijing. Dumalo at nagtalumpati si Huang Kunming, Puno ng Publicity Department ng Komite Sentral ng CPC, at binigyan-diin niyang dapat tupdin ang mga pahayag ni Pangulong Xi Jinping hinggil sa pagpapalakas ng pambansang media sa pamamagitan ng pagsasanib pwersa ng iba't ibang uri ng media, at ito ay angkop sa tunguhin ng pag-unlad ng komprehensibong media sa kasalukuyang panahon.
Tinukoy ni Huang na ang integrasyon ng mga media ay isang di-maiwasang rebolusyon, dapat gamitin ang pagkakataon ng pag-unlad at aktibong kaharapin ang mga hamon para mapalalim ang pagsasama-sama ng iba't ibang media.
Salin:Lele