Sa kanyang talumpati Marso 28, 2019, sa Boao Forum for Asia (BFA), ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na bagama't nananatili ang paglaki ng kasalukuyang kabuhayang pandaigdig, nagiging mahina ang puwersa at mabagal ang bahagdan ng paglaki nito. Aniya, sa kabila ng mga kahirapan at hamon, hindi dapat maging presimistiko at malungkot ang mga bansa, dahil marami pang positibong elemento sa kabuhayang pandaigdig.
Tinukoy ng premyer Tsino na sa harap ng mga komong hamon, dapat magkakasamang magsikap ang iba't-ibang bansa at igiit ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan upang maisakatuparan ang komong kaunlaran.
Salin: Li Feng