Sa kanyang talumpati Marso 28, 2019, sa Boao Forum for Asia (BFA), ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na ang Asya ay isang mahalagang puwersa sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagang pandaigdig. Ito rin aniya ay isang mahalagang puwersang tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Sinabi niya na ang pagpapaunlad ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ay komong hangarin ng iba't-ibang bansang Asyano. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng iba't-ibang bansang Asyano para harapin ang mga panganib at hamon, at mapalawak ang espasyong pangkaunlaran.
Salin: Li Feng