Sa kanyang talumpati Marso 28, 2019, sa Boao Forum for Asia (BFA), ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na pantay na pinakikitunguhan ng panig Tsino ang mga bahay-kalakal na Tsino at dayuhan, at totohanang pinoproteksyunan ang lehitimong karapatan at kapakanan ng iba't-ibang uri ng bahay-kalakal.
Sinabi rin niya na ang pagpapalakas ng pangangalaga sa Karapatan ng Pagmamay-ari ng Likhang-isip (IPR) ay palagiang paninindigan ng pamahalaang Tsino. Aniya, sa kasalukuyan, isinumite na ang draft amendment ng Patent Law sa Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) para sa pagsusuri.
Salin: Li Feng