|
||||||||
|
||
Si PM Thongloun Sisoulith ng Laos (kaliwa) at Li Keqiang
Kinatagpo Marso 27, 2019, ni Li Keqiang, Premiyer ng Tsina ang kanyang counterpart na sina Thongloun Sisoulith ng Laos, at Jorge Bom Jesus ng São Tomé and Príncipe na dumadalo sa Boao Forum for Asia (BFA) sa Hainan, Tsina.Sa pagkikipagtagpo kay Sisoulith, ipinahayag ni Li na nakahanda ang Tsina na pahigpitin ang pag-uugnay ng Belt and Road Initiative at mga estratehiya ng Laos, inaasahang matatapos ang komunike hinggil sa China-Laos Economic Corridor sa lalong madaling panahon para maigarantiya ang pagtatatag ng daambakal ng Tsina't Laos na napagkasunduan noong tinalikdang panahon. Hinimok ng Tsina aniya ang mga bahay-kalakal na malalim na lumahok sa konstruksyong pangkabuhayan batay sa prinsipyong pangpamilihan para mas mabuting maisakatuparan ang win-win na situwasyon.
Winika ni Sisoulith na ang Laos at Tsina ay komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan. Dadalaw at dadalo si Pangulong Boungnang Vorachith ng Laos sa ika-2 Summit ng Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) na gaganapin sa Abril sa Tsina, at nakahandang pasulungin ang mga proyektong pangkooperasyon ng dalawang bansa para magbigay ng kapakanan sa mga mamamayan.
Sa kanya manang pakikipag-usap kay Jesus, pinapurihan ni Li ang pananangan ng São Tomé and Príncipe sa prinsipyong "Isang Tsina," ito aniya ay batayang pulitikal ng relasyon ng dalawang bansa. Nakahandang pasulungin ng Tsina ang komprehensibong partnership nila, at kakatigan ng Tsina ang nagsasarili at sustenableng pag-unlad ng São Tomé and Príncipe.
Ipinahayag naman ni Jesus na matatag na mananangan sa prinsipyong "Isang Tsina," at nakahandang matuto sa karanasan ng Tsina sa kaunlaran.
Salin:Lele
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |