Kinatagpo Marso 27, 2019, ni Li Keqiang, Premiyer ng Tsina si Ban Ki-moon, Direktor-Heneral ng Boao Forum for Asia (BFA) at mga miyembro ng Konseho ng BFA na kinabibilangan ni Dr. Gloria Macapagal-Arroyo, Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Pilipinas.
Ipinahayag ni Li na ang tema ng taunang pulong na ito ay "Komong Kapalaran, Komong Aksyon, Komong Kaunlaran." Aniya, ang Tsina ay pinakamalaking umuunlad na bansa, naninindigan ang Tsina sa pangangalaga ng mutilateralismo, paggalang ng pagkakaiba ng sibilisasyon, at paghanap ng iba't ibang bansa ng sariling landas ng pag-unlad batay sa aktuwal na kalagayan ng bansa. Bukod dito, aniya, patuloy na palalalimin ang reporma at ibayo pang palalawakin ang pagbubukas ng Tsina.
Bumati si Ban Ki-moon, Gloria Macapagal-Arroyo at iba pang mga miyembro ng konseho ng BFA sa pagsiriwang ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republiko ng Bayan ng Tsina, at ipinalalagay nilang ang bunga ng konstruksyon ng Tsina nitong 70 taong nakalipas ay walang-katulad sa kasaysayan. Sa harap ng mga elemento ng walang-katatagan ng daigdig, isinagawa ng Tsina ang repormang pangestruktura at pagpapalawak ng pagbubukas, at ito ay naging modelo ng iba't ibang panig, dagdag pa nila.
Salin:Lele