|
||||||||
|
||
Nakipagtagpo noong ika-27 ng Marso sa Boao, Hainan, si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Lee Nak-yon, Punong Ministro ng Timog Korea na lumalahok sa Boao Forum for Asia (BFA).
Ipinahayag ni Li na bilang mahalagang economiya at mahalagang bansa sa rehiyon, ang Tsina at T.Korea ay isa sa mga pinakamalaking trade partner ng isa't isa. Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng T.Korea, para pabutihin ang pagtitiwalaan at palakasin ang pagtutulungan para pasulungin ang pagtatamo ng bagong progreso ng relasyon ng dalawang bansa.
Binigyan-diin ni Li na nakahanda rin ang Tsina na magsikap, kasama ng T.Korea at Hapon para pabilisin ang talastasan sa Malayang Zonang Pangkalakalan ng Tsina, Hapon at T.Korea, pasulungin ang integrasyong pangkabuhayang panrehiyon, para magkakasamang mapangalagaan ang kasaganaan at katatagan ng rehiyong ito.
Tinukoy ni Li na may pagkokomplimento ang kabuhayan ng Tsina at T.Korea. Umaasa siyang lalo pang palalawakin ang kooperasyon ng dalawang panig.
Ipinahayag ni Lee Nak-yon na ang Tsina at T.Korea ay mahalagang magkapitbansa, nakahanda ang T.Korea na aktibong makisangkot sa pagkakatatag ng Belt and Road Initiative (BRI), palalimin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa iba't ibang larangan, para magkasamang mapangalagaan ang multilateralismo at malayang kalakalan.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |