Sa regular na preskon na idinaos kahapon, ipinahayag ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang paglalagda ng Memorandum of Understanding sa Kooperasyon ng Belt and Road Initiative (BRI) ng Tsina at Luxembourg ay isang palatandaan na ang kooperasyong pangkaibigan ng dalawang bansa ay pumasok na sa bagong yugto. Lubos na inaasahan ng Tsina na sa panahon ng Porum ng Belt and Road para sa Pandaigdigang Kooeprasyon na idaraos sa Abril, makikipagkooperasyon sa iba't ibang panig, para palawakin ang mas malaking espasyo ng pandaigdigang kooperasyong pangkabuhayan.
Kamakailan, sa panahon ng 2019 Boao Forum for Asia (BFA), nilagdaan ng Tsina at Luxembourg ang MOU sa Kooperasyon ng BRI. Sa kanyang pahayag, sinabi ni Xavier Bettel, Punong Ministro ng Luxembourg na ang paglalagda ng naturang kasunduan ay isang bagong hakbang ng dalawang bansa sa pagpapaunlad ng bilateral na relasyon at mga kooperasyon sa kabuhayan, negosyo, kultura at iba pa.
Salin:Sarah