|
||||||||
|
||
Sa sidelines ng 2019 Taunang Pulong ng Boao Forum for Asia na ginaganap sa Boao, lalawigang Hainan ng Tsina, idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-29 ng Marso 2019, ang Asia Media Cooperation Conference.
Dumalo sa pulong si Carlo Jose Magno Villo, Deputy Director General ng Philippine Broadcasting Service (PBS).
Sa kanyang talumpati, isinalaysay ni Villo ang hinggil sa isinasagawang pagsasaayos at pagpapalakas ng takbo ng mga istasyon ng PBS, sa panahon ng pagbabago na pinasimulan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Pinasalamatan niya ang Tsina sa pagbibigay-tulong sa gawaing ito ng PBS.
Nanawagan din siya para sa pagpapalakas ng kooperasyon ng mga Asian media sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga balita, pagsasagawa ng magkakasanib na panayam, pagpapasulong ng komong pag-unlad, at iba pa.
Ang Asia Media Cooperation Conference ay nasa magkakasamang pagtataguyod ng China Media Group, Sekretaryat ng Boao Forum for Asia, at China Public Diplomacy Association. Sa ilalim ng temang International Communication in an Omnimedia Era, tinalakay ng mga kinatawan ng mahigit 20 Asian media ang hinggil sa paggamit ng mga bagong teknolohiya ng komunikasyon, pagpapasulong sa media development, pagpapalakas ng media cooperation, at iba pa.
Ulat: Frank
Larawan: Vera
Edit: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |