|
||||||||
|
||
Mula Marso 21 hanggang Marso 26, 2019, nagsagawa ng dalaw pang-estado sa Italya, Monaco at Pransya si Pangulong Xi Jinping at kanyang asawang si Peng Liyuan.
Para kay Propesor Peng, tulad ng dating mga biyahe sa ibayong dagat, tampok ang tatlong aspekto sa katatapos niyang pagdalaw sa Europa. Kabilang sa mga ito ay mga opisyal na aktibidad, aktibidad ng pangkawanggawa, at aktibidad na pansining.
Kabilang sa mga opisyal na aktibidad ni Peng ay pagdalo, kasama ni Pangulong Xi sa seremonyang panalubong, talumpati, at bangketeng panalubong.
Sa Nice, Pransya, pakikipagtagpo kay Pangulong Emmanuel Macron at kanyang asawa
Seremonyang panalubong sa Arc de Triomphe, Paris, Pransya
Bangketeng panalubong sa Pransya
Seremonyang pandespedida
Si Propesora Peng ay nanunungkulan bilang World Health Organization (WHO) Goodwill Ambassador for Tuberculosis and HIV/AIDS. Nagsisilbi rin siya bilang Special Envoy for the Promotion of Girls' and Women's Education ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO).
Si Propesora Peng habang dumadalaw sa punong himpilan ng UNESCO na nakabase sa Paris, noong Nobyembre, 2015
Sa katatapos na biyahe sa Paris, lumahok si Propesora Peng sa espesyal na sesyon ng UNESCO
Sa kanyang talumpati sa nasabing espesyal na sesyon, ipinahayag ni Audrey Azoulay, Direktor-Heneral ng UNESCO, ang paghanga kay Peng bilang isang alagad ng sining, anak ng guro, at propesora ng musika.
Ang pagtatanghal na inihandog para kay Peng sa Palasyo ng Monaco
Ang palabas bilang panalubong kay Peng sa Italya
Pagdalaw ni Peng sa Palais Garnier
Ang usong damit ay hindi lamang sining, kundi isa ring linggwahe. Hinahangaan si Peng sa kanyang istilo ng pagsuot ng mga damit na may disenyo ng kulturang Tsino.
Noong Marso 22, 2013, pagdalaw ni Peng sa Rusya bilang unang ginang ng Tsina.
Sa unang pahina ng iba't ibang diyaryo, nakita ang mga larawan at istorya ng mag-asawang sina Xi at Peng.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |