|
||||||||
|
||
Paris, Pransya—Dumalo nitong Martes, Marso 26, local time, ang Unang Ginang ng Tsina na si Propesor Peng Liyuan sa espesyal na sesyon ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) hinggil sa edukasyon ng mga batang babae at kababaihan, sa punong himpilan ng nasabing organisasyon.
Sa sesyon, ibinahagi ng mga laureado ng UNESCO Prize for Girls' and Women's Education ang kani-kanilang pagkaunawa at ginawa sa usaping ito.
Bilang espesyal na sugo ng UNESCO para sa pagpapasulong ng edukasyon ng batang babae at kababaihan, ipinahayag ni Peng ang kanyang paghanga at pasasalamat sa mga ginawang pagsisikap ng UNESCO at mga nanalo ng premyo.
Isinalaysay rin ni Peng ang mga karanasan ng Tsina sa pagpapasulong ng edukasyon ng mga batang babae at kababaihan. Higit sa lahat, ipinakilala niya ang hinggil sa Spring Bud Project, programang inilunsad ng China Children and Teenagers' Fund para mapabuti ang kondisyon ng pagtuturo sa mga mahirap na lugar ng bansa, nitong limang taong nakalipas sapul nang manungkulan siya bilang espesyal na sugo ng UNESCO.
Ipinahayag din ni Peng ang kahandaan ng Tsina na patuloy na suportahan ang UNESCO sa pagpapasulong ng pagkakaroon ng mas magandang kinabukasan ng mga bata at kababaihan, sa pamamagitan ng pandaigdigang kooperasyong pang-edukasyon sa ilalim ng magkakasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI).
Sinabi naman ni Audrey Azoulay, Direktor-Heneral ng UNESCO na ang pagpapasulong ng edukasyon ng mga bata at kababaihan ay mahalagang bahagi ng UN 2030 Agenda for Sustainable Development at pokus ng UNESCO. Ipinahayag din ni Azoulay ang mataas na pagtasa sa pagsisikap at pakikipagtulungan ng Tsina sa UNESCO sa usaping ito.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |