Sa regular na preskong ngayong araw, ipinahayag ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsinan a pumunta sa Amerika si Pangalawang Premyer Liu He ng Tsina para sa Ika-9 Round na Talastasang Pangkalakalan.
Sinabi rin niyang umaasa ang panig Tsino na, sa pundasyon ng aktuwal na progresong natamo ng dalawang bansa, maaaring magkasamang magsikap ang Tsina at Amerika para isakatuparan ang mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa. Aniya pa, inaasahan din ng Tsinan a mararating ang isang kasunduang may mutuwal na kapakinabangan.
Salin:Sarah