|
||||||||
|
||
Kasalukuyang ginaganap sa Boao, Lalawigang Hainan ng Tsina, ang taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA) sa taong 2019. Kinatawan ng Pilipinas sa 2019 BFA si Dr. Gloria Macapagal-Arroyo, Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Pilipinas. Sa one-on-one interview ng Serbisyo Filipino ng China Media Group, ibinahagi niya ang pananaw tungkol sa BFA, Belt and Road Initiative (BRI), globalisasyon, malayang kalakalan at iba pang paksa.
Ang tema ng kasalukuyang BFA ay "Shared Future, Concerted Action, Common Development." Saad ni Dr. Arroyo, nang simulan ng Tsina ang pagsasagawa ng reporma 40 taon na ang nakakaraan, nag-alala ang Pilipinas na baka maging kakompetisyon sa pamilihang pandaigdig ang Tsina, bilang isang bagong "economic dragon". Batay sa 40 taong pag-unlad, nalaman nilang may sariling estilo ang Tsina, at nagsilbi itong development partner, sa halip na kakompetisyon. Ito ang may pinagbabahaginang kinabukasan na pinag-uusapan natin, dagdag niya.
Sa tingin ni Arroyo, ang Tsina ay hindi lamang isang pamilihan para sa Pilipinas, kundi tagapag-ambag at tagapagkaloob din ng kapital at teknolohiya.
Nitong nakalipas na ilang taon, grabeng naapektuhan ang multilateral na sistemang pangkalakalan. Ang unilateralismo at proteksyonismo ay nagbunsod ng kawalan ng katiyakan sa kabuhayang pandaigdig. Kaugnay nito, sinabi ni Arroyo na noon, ang Amerika ay kampeon sa globalisasyon at malayang kalakalan, pero pagkaraang isagawa ang "Trump style policy," humahalili sa Amerika ang Tsina para mamuno sa globalisasyon at malayang kalakalan. Pag-asa niyang ipagpapatuloy at kokompletuhin ang global trading system.
Ang Belt and Road Initiative ay isa pang mainitang paksa sa kasalukuyang BFA. Sa palagay ni Ispiker Arroyo, ang BRI ay mahalagang lakas-panulak para sa kooperasyong pangkabuhayan sa pagitan ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Saad niya, mahalagang mahalaga ang trade agreements para sa liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan, at ito ay parang software ng liberalisasyon at kaunlarang pandaigdig. Kailangang kailangan din aniya natin ang hardware na ipinagkaloob ng Belt and Road, ibig sabihin, ang suporta sa imprastruktura. Ito ang papel ng BRI na nagkakaloob ng hardware para sa reporma at pagbubukas ng software, dagdag niya.
Tinaya rin ni Arroyo na ang isa sa mga larangan ng pagpapaunlad ng kalakalan ng Tsina at Pilipinas sa hinaharap ay nakasalalay sa serbisyo, dahil malakas ang Pilipinas sa aspektong ito.
"Dahil umuunlad nang umuunlad ang Tsina, sana bahagi kayo sa kaunlarang iyon," yan ang mensahe ni Arroyo para sa mga kababayang Pilipino na nandito sa Tsina.
Ulat: Vera
Litrato: Li Jin
Web Editor: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |