Sa seremonya ng pagpipinid ng Porum ng Tsina at Pransya Tungkol sa Pandaigdig na Pangangasiwa na ginanap sa Paris Martes, Marso 26, 2019, binigkas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang talumpating pinamagatang "Pagbibigay ng Katalinuhan at Puwersa Para sa Pagtatatag ng Mas Magandang Lupang Tinubuan ng Mundo." Dito, iniharap niya ang kalutasang Tsino para maresolba ang "Four Big Deficit" ng daigdig. Kabilang sa nasabing kalutasan ay una: dapat igiit ang pagkakapantay at katarungan para resolbahin ang depisit ng pagsasaayos; ikalawa, dapat igiit ang pagsasanggunian at pagkakaunawaan para resolbahin ang depisit ng tiwala; ikatlo, dapat igiit ang magkakasamang kilos para resolbahin ang depisit ng kapayapaan; at ikaapat, dapat igiit ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan para resolbahin ang depisit ng kaunlaran. Nanawagan ang pangulong Tsino sa iba't-ibang bansa na aktibong kumilos sa pagsasaayos ng daigdig at magkakasamang magsikap para ilagay sa sariling kamay ang kapalaran ng kinakbukasan ng sangkatauhan.
Bilang lider ng ikalawang pinakamalaking ekonomiya at pinakamalaking umuunlad na bansa, mayroong malalim na kaalaman at pangmalayuang kaisipan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pagbabago ng kayariang pandaigdig. Sa "Belt and Road" Forum (BRF) for International Cooperation na ginanap noong Mayo ng nagdaang taon, tinukoy ni Xi na ang nasabing "apat na malaking depisit" ay mahigpit na hamong kinakaharap ng buong sangkatauhan. Ang pagharap ng kalutasang Tsino sa mga depisit ay nagpapakita ng atityud ng lider ng isang malaking bansa sa daigdig.
Lubos namang kinikilala ng mga lider Europeo ang nasabing talumpati ng pangulong Tsino. Matapos ang talumpati ni Xi, sinabi ni Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya sa social media na "Unyong Europeo (EU) at Tsina, dapat magkasamang magsikap para harapin ang hamong pandaigdig." Ipinahayag din ni Jean-Claude Juncker, Presidente ng EU Commission, na magkapareho ang mithiin ng Europa at Tsina sa pagtatatag ng mas mahigpit na partnership.
Bukod dito, iminungkahi ni Chancellor Angela Merkel ng Alemanya na kalahok sa seremonya ng pagpipinid ng nasabing porum, na idaos ang "Pagtatagpo ng mga Lider ng Europa at Tsina," sa susunod na taon. Ipinahayag niya na may malawakang komong kapakanan ang Alemanya at Tsina, at nakahanda ang Alemanya na aktibong makilahok sa Ikalawang "Belt and Road" Forum (BRF) for International Cooperation.
Salin: Li Feng