Noong unang kuwarter ng taong 2019, halos 21.34 trilyong yuan RMB ang Gross Domestic Product (GDP) ng Tsina, at ito ay lumaki ng 6.4% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, kung comparable price ang pag-uusapan. Magkatulad ito sa datos noong ika-4 na kuwarter ng 2018.
Ayon sa datos ng takbo ng kabuhayang Tsino noong unang kuwarter na inilabas Miyerkules, Abril 17, 2019 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, lumaki ng 6.5% ang added value ng may takdang saklaw pataas na industriya sa buong bansa; tumaas ang proporsyon ng mga hay-tek na industriya; matatag na bumaba ang fixed assets investment; lumaki ng 6.8% ang kita ng mga residente; at lumaki ng 8.3% ang kabuuang halaga ng tingian na consumer products na panlipunan.
Noong Marso, 5.2% ang surveyed urban unemployment rate ng Tsina, na bumaba ng 0.1% kumpara noong Pebrero.
Salin: Vera