|
||||||||
|
||
Kaugnay ng 2018 economic data ng Tsina na inilabas Lunes, Enero 21, 2019, ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, ipinahayag ng mga ekonomistang Tsino na ito'y ayon sa inaasahan. Anila, sa ilalim ng sustenableng nagbabagong kalagayang panlabas, talagang di-madaling natamo ng kabuhayang Tsino ang resulta ng paglaki ng 6.6% ng Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng Tsina noong isang taon. Ipinalalagay din nila na ito'y nagpapakitang may malakas na pleksibilidad ang kabuhayang Tsino sa pagharap sa mga hamon.
Ipinahayag ni Zhao Xijun, Pangalawang Puno ng School of Finance at Renmin University of China, na tugma sa inaasahan ang inilabas ng economic data ng Tsina. Ipinagdiinan din niya na hindi madali ang pagkakuha ng kabuhayang Tsino ng ganitong paglaki.
Ipinagdiinan din ni Wan Zhe, Punong Ekonomista ng China National Gold Group, na sa nagbabagong kalagayang panlabas, ang mabilis na paglaki ng kabuhayang Tsino ay nagpapakitang nagiging malakas ang pleksibilidad ng kabuhayang Tsino.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |