Ayon sa inisyal na estadistikang ipinalabas, Enero 21, 2019 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, lumampas sa 90 trilyon yuan RMB ang kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP) ng Tsina noong 2018. Ito ay lumaki ng 6.6% kumpara sa tinalikdang taon, at umabot sa inaasahang target na 6.5%.
Sa unang kuwarter ng nasabing taon, ang GDP ay lumaki ng 6.8% kumpara sa tinalikdang taon. Sa ika-2 kuwarter, ito'y lumaki ng 6.7%; sa ika-3 kuwarter ito'y lumaki ng 6.5%, 6.4% sa ika-4 na kuwarter, ayon pa sa estadistika.
Salin:Lele