|
||||||||
|
||
Sa isang panayam kamakailan, ipinahayag ni Yi Gang, Puno ng People's Bank of China (PBOC), na ayon sa diwa ng Central Economic Work Conference na ginanap noong katapusan ng nagdaang taon, mula Enero 15, 2019, pabababain ng 1% ng Central Bank ang reserve requirement ratio (RRR) para ilabas ang 1.5 trilyong RMB. Bukod dito, sa huling dako ng kasalukuyang taon, isasagawa nito sa kauna-unahang pagkakataon, ang targeted medium-term lending facility (TLMF), at iba pang hakbangin.
Ani Yi, ang nasabing mga hakbangin ay nakakatulong sa pagpapanatili ng makatwirang katatagan ng pamilihang pinansyal at makatwirang paglaki ng monetary credit. Bagama't bumagal ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayan, pinapalakas sa halip na pinapahina, ang pagkatig ng pinansya sa real economy.
Tinukoy sa Central Economic Working Conference na dapat isagawa ang makro-kontrol sa angkop na digri. Ani Yi, kung mabuting mahahawakan ang estruktura at bigyang-pansin ang bilis, maayos na maisasa-operasyon at maitatatag ang buong pamilihan alinsunod sa mga regulasyon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |