Ipinahayag nitong Huwebes, Abril 18 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na mas maraming bansa ang nagpakita ng makatwirang pakikitungo sa pakikilahok ng mga bahay-kalakal na Tsino sa konstruksyon ng ultra-high speed Internet, na kinikilala bilang 5G network.
Dagdag pa ni Lu, ipinakikita nitong higit na nakararaming bansa ay gumagawa ng mga hakbang at patakarang makakabuti sa sariling interes, batay sa katotohan. Ipinakikita aniya rin nito ang magkakasamang pagsisikap para maprotektahan ang pamilihang walang kinikilingan.
Sa kabila ng kahilingan ng panig Amerikano sa mga bansang Europeo na ipagbawal ang Huawei, telecom giant ng Tsina sa pagtatatag ng 5G network, ipinahayag ni Jochen Homann, Puno ng Organong Tagapangasiwa sa Telekomunikasyon ng Alemanya na hindi ibubukod ng kanyang bansa ang mga equipment supplier na kinabibilangan Huawei sa konstruksyon ng 5G. ipinahayag din ng tagapagsalita ng Sentro ng Cybersecurity ng Belgium na wala silang natuklasang bantang pang-espiyonahe sa mga teknolohiya ng Huawei.
Salin: Jade
Pulido: Mac