Ipininid Pebrero 28, 2019 sa Barcelona ang Mobile World Congress. Nagtamo ng bagong progreso ang Huawei sa pakikipagtulungan sa 5G sa mga kompanyang dayuhan.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito ay nagpapakitang nagsisikap ang karamihan sa mga bahay-kalakal ng daigdig para pangalagaan ang pantay at makaratungang operasyon ng pamilihan.
Ayon sa ulat, nilagdaan ng Huawei ang mga kasunduan hinggil sa 5G cooperation, kasama ng mga telecom company mula sa Malaysia, Indonesya, at Saudi Arabia. Idinaos din ng Huwei at ang joint lauching ng 5G commercial network, kasama ng mga kompanya mula sa Switzerland at South Africa.
Salin:Lele