Sa pagtataguyod ng China Media Group (CMG), binuksan kahapon, Linggo, ika-21 ng Abril 2019, sa Beijing, ang Media Application Technology Exhibition sa ilalim ng Belt and Road International Forum for Communication Innovation.
Dumalo sa seremonya ng pagbubukas sina Xu Lin, Puno ng State Council Information Office ng Tsina; Shen Haixiong, Presidente ng CMG; at ang mga kinatawan mula sa mga telecommunication at telecom equipment company ng Tsina.
Itinatanghal sa eksibisyong ito ang mga maunlad na media technology at video equipment, na gaya ng 4K at 8K ultra-high-definition resolution video camera, 8K resolution screen, mga 4K at 8K TV program na ginawa ng CMG, mga halimbawa ng paggamit ng 5G mobile telecommunication sa media coverage, paggamit ng 5G mobile telecommunication sa karaniwang pamilya, at iba pa.
Salin: Liu Kai