Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Linggo, Abril 21, 2019 kay Zafar Mahmood Abbasi, Chief of Staff ng Hukbong Pandagat ng Pakistan, sinabi ni Wei Fenghe, Kasangguni ng Estado at Ministrong Pandepensa ng Tsina, na ang kooperasyong pandepensa ng Tsina at Pakistan ay mahalagang sandigan ng relasyon ng dalawang bansa. Nitong mga taong nakalipas, malinaw aniya ang natamong bunga ng pagpapalitan at kooperasyong Sino-Pakistani sa iba't-ibang larangan.
Sinabi naman ni Abbasi na lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang tradisyonal na pagkakaibigang Pakistani-Sino. Nakahanda aniya ang Pakistan na magsikap kasama ng Tsina para ibayo pang mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa at hukbo.
Salin: Li Feng