Opisyal na nagbukas ngayong araw, Abril 23, ang media center ng Ika-2 Belt and Road Forum on International Cooperation (BRF) sa China National Convention Center, Beijing. Sa kasalukuyan, mahigit 2,500 mamamahayag Tsino at 1,600 mamamahayag na dayuhan ang nagparehistro para ikober ang gaganaping porum.
Nakatakdang idaos ang ikalawalang BRF mula Abril 25 hanggang Abril 28, kung saan lalahok ang delegasyon ng Pilipinas na pinangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte, kasama ng ibang pang mga panauhin.
Salin: Jade
Pulido: Mac