|
||||||||
|
||
Ha Noi, Biyetnam—Sa kanilang katatapos na pulong, inilabas ng mga ministro ng kalakalan ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) ang Actions Statement.
Sa nasabing pahayag, nilagom ng mga ministro ang mga natamong bunga ng 2017 APEC Ministers Responsible for Trade Meeting na ginanap mula Mayo 20 hanggang Mayo 21, 2017. Nangako rin silang pasulungin ang pag-unlad ng mga kasapi ng APEC sa mga larangang kinabibilangan ng pagpapalalim ng rehiyonal na integrasyong pangkabuhayan; pagpapasulong ng sustenable, inobatibo at inklusibong paglaki; pagpapasulong ng human resources sa panahong digital; pagpapalalakas ng kakayahang kompetetibo at inobasyon ng mga micro, small and medium enterprise sa panahong digital; pagpapabuti ng food security; pagpapahigpit ng kooperasyong pangkabuhayan at panteknolohiya; at paglulunsad ng APEC Towards 2020 and Beyond.
Ayon naman sa Pahayag ng Tagapangulo, bukod sa APEC Towards 2020 and Beyond, ipinahayag din ng mga kalahok ang suporta sa multilateral na kalakalan at pagtatatag ng Free Trade Area of the Asia-Pacific (FTAAP).
Sinabi ni Wang Shouwen, kalahok na Pangalawang Ministro ng Kalakalan ng Tsina na ang nasabing mga natamong bunga ay katugma ng Belt and Road Initiative, na iniharap ng Tsina para sa komong kasaganaan. Idinagdag pa niyang sa kapipinid na Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF), iniharap ng Tsina ang suporta ng pagtatatag ng bukas na kabuhayang pandaigdig, paglalatag ng bukas na platapormang pangkooperasyon, pangangalaga sa multilateral na kalakalan, at pagpapaginhawa ng pamumuhunan at kalakalan.
Idinaos ang BRF sa Beijing mula ika-14 hanggang ika-15 ng Mayo, 2017. Lumahok dito ang mga lider ng buong daigdig na kinabibilangan ni Pangulong Duterte.
Salin/Edit: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |